Saturday, September 22, 2007

.home. (post-DEMS post)

It's so nice to be blogging from my own room once again.

My Anesthesiology rotation afforded me a much-needed and welcomed two-day reprieve from the halls of the Philippine General Hospital.

Haha. Kung anu-ano pang sinasabi. Basta ang point, masaya ako at nakauwi rin ako. Finally. Aba, medyo matagal din ata ang 6 weeks para hindi umuwi no? E homebody pa naman ako. Hehe.

Anyway. DEMS. It was the rotation I was truly dreading because I am not exactly the world's biggest fan of the Emergency Room. But I am happy to say that it wasn't as bad as I thought it would be. True, I am still not too comfy in the ER, but hey, those two weeks weren't so horrible after all.

The DEMS residents were really nice. Fun sila kasama sa duty. Kahit na nagrereklamo kami kasi lagi nila kaming nauutusan, okay pa din kasi at least nakapagpractice kami ng procedures. Medyo nanunumbalik na ang confidence level ko sa pagtusok ng kung anu-anong needles at pag-insert ng kung anu-anong tubes sa mga pasyente. At kahit na parang naging normal na lang sa pang araw-araw na buhay namin 'yung may namamatay sa harapan mo after mo tumulong na i-resuscitate siya (tipong sasabihin mo na lang na, "Ano, namatay na ba 'yung si ______? Okay."), na-realize ko din na capable pa rin pala ako na makaramdam ng compassion para sa mga taong walang-wala talaga at hindi na alam kung paano ang gagawin dahil nagkasakit 'yung kasama niya. Na sa isang tanong mo lang na "Okay lang po ba kayo? Pagod na po ba kayo?", sobrang matutuwa na sila sa 'yo at magkukwento na tungkol sa buhay nila.

Nakakatuwa din kasi okay na okay 'yung group dynamics ng duty team namin nina Dandro at Rizza. Walang lamangan.. ideally. Joke. Seriously, I liked the way our group managed to work together. We were constantly looking out and helping each other, kaya sobrang astig. Walang iwanan. Sa katoxican o tulugan, sa kainan o gutuman, magkasama. Hehe. Nagustuhan ko sila katrabaho. Feeling ko nga mas close ako sa kanila ngayon e. Kaya ayun.

I really did enjoy my DEMS rotation, although the fact that being in Anes means I won't be seeing (or smelling) the ER for two whole weeks is still a very welcome concept for me.

That's all na muna for DEMS.

As for Anes... kailangan ko ng procedures! We are required to do six intubations and three spinals, and so far I have... one spinal. Hehe. Di bale, I have two duty days pa naman and 'yung mga everyday posts na hopefully ipagawa sa kin ng resident. My "mantra" these days is "What I need will come to me." Thank you Lord dahil alam ko makukumpleto ko ang aking procedure checklist bago pa matapos ang rotation na 'to. ;)

*************************

Kung sinumang kumuha ng BP app ko sa ER, sana napapakinabangan mo siya ng husto.

*************************

Gusto ko ng bagong laptop. IM na kami in just a little over a week.

*************************

Wala lang. I'm just glad to be home.

Snuggle-wuggle.

0 comments: