Friday, September 07, 2007

.post-surgery post.

Parang ang tagal tagal na nung Surgery rotation ko. E kung tutuusin nung Tuesday lang naman nag-end 'yun at kakastart ko lang sa DEMS (Department of Emergency Medical Services) nung Wednesday. Pero wala lang. Ngayon ko lang din kasi narealize na mabilis din pala lumipas ang four weeks.

At hindi pa rin ako nakakauwi sa amin simula nung nag-umpisa ako sa Surg. Haaay. Dapat talaga makauwi na ko when I rotate sa Anesth kasi IM na kami kasunod nun. Baka 8 straight weeks ako hindi makauwi by that time. E dun pa naman papatak ang birthday ko! Ehehe. Wala lang.

Surgery was an okay enough rotation... but it was quite stressful kasi parang I was dealing with so many other issues within myself at the same time. Ewan ko. It was like I was fighting an inward battle. My love-walk was not in prime condition pa nun, so siguro un din ang puno't-dulo ng lahat. It's so hard to explain now that it's all in the past na, but back then it was such an effort to even just get up in the morning, put a smile on my face, and show the world that everything's just fine and dandy.

Ewan. Siguro kasi ang medyo matagal-tagal na rin akong hindi nakakapakinig ng Word. Kulang na kulang.

And that stress even managed to manifest naturally kasi pinagaling ako. I was febrile for three days pero siyempre hindi naman maka-absent kasi mas hassle pa 'yun. And I had the most embarrassing experience when I had to step out of the OR in the middle of an operation because I felt like my head was spinning and that I was going to fall anytime. Pero praise God pa rin kasi I am healed na.. from the top of my head to the soles of my feet. All glory to God!

Marami akong natutunan sa Surg.. sa ER, sa OR assists, sa mga lectures and preceptorials, and all that jazz. Pero marami rin akong natutunan in dealing with people.

Nakaka-frustrate lang kasi minsan kapag mari-realize mo na hindi lahat ng tao kaparehas mo mag-isip. Kung hindi kasi natin makita na iba-iba talaga tayo, dun nag-uumpisa ang hindi pagkakaunawaan at hindi pagkakaintindihan. Wala lang. Siguro dapat ko lang mas matutunan pang umintindi at magpasensya.

Nakaka-gigil lang kasi minsan ang mga taong nag-iisip na sila na lang palagi ang bida. Na sa bawat usapan kailangan sila ang sikat. Ayaw magpatalo. Nakakatawa na nga e. Kahit anong sabihin mo o ikuwento, tiyak meron siyang maikukwento na mas matindi pa sa kwento mo, positive man o negative. Mga taong dalawa lang ang klase ng pag-iisip: either siya na ang pinaka-kawawa sa buong mundo or siya na ang pinakamagaling sa lahat. Pathetic. I guess in a way ok na din yun kasi naho-hone ang aking listening skills. I'm learning to focus on what other people say instead of myself. Sana lang minsan meron din magfocus sa mga sinasabi ko. Wehehe. Actually, meron naman. Kaya thank you. Hindi lang din talaga ako masyadong nagsasalita na minsan. Ehehe. ;)

Nakakairita din ang mga tao na feeling nila alam na nila ang lahat sa buhay mo, feeling nila kilalang-kilala nila at may karapatan na silang magsalita ng kung anu-ano sa iyo. Feeling nila may lisensya na sila na makialam. E ni wala pa sa kalingkingan ang pagkakakilala nila sa pagkatao mo. Ambabaw lang ng pagkakaintindi nila. Excuse me. I only allow very few and select people into the deepest parts of my heart.

Waaah. Sorry. I know I never wrote anything mean here before. Wala lang. Hindi din naman kasi ako nagsasalita tungkol sa mga ganitong bagay e. Don't know how to put it in such a way that would make people want to listen. Plus, wala naman siyang sense so wag na lang din di ba?

I guess sometimes, naiisip ko, nakakapagod na rin. Minsan nakakalimutan ko na 'yung reason kung bakit ba patuloy at patuloy ko pa ring ginagawa 'to. May napakinggan ako non na speaker sa school. Sabi niya, "You have to find your own niche. Your niche is that one special thing that will make you wake up excited to do your work every single day." Tapos, naisip ko, kailan kaya magiging ganon ang medisina para sa kin? Para kanino ba at ginagawa ko ang lahat ng 'to? Minsan, sobrang effort ang kailangan kong i-exert para lang mapicture ang sarili ko na ginagawa 'to for the rest of my life. Parang hindi ko na alam kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Para akong umiikot nang umiikot na hindi alam kung saang direksyon ba talaga ako pupunta.

Ewan. Basta ang alam ko, talagang grasya lang ng Panginoon ang mapapasalamatan ko kung bakit ko napapagtagumpayan ang madaming mga bagay araw-araw. Dahil kung wala iyon, baka matagal na akong sumuko. At nagapapasalamat din ako sa Panginoon kasi naglalagay siya ng mga tao sa paligid ko na laging nagpapa-alala sa akin na I am "..light, and God will never allow that light to be extinguished. Darkness can never even overcome that light." I will never forget those words that uplifted my spirit in a way that you can't even imagine.

Only the thought that God has a plan for me, and has a good future in store me, keeps me going every single day.

And sometimes, it's the thought that this will all be over eventually that does that for me.

Don't get me wrong. I do want to become a doctor, and I know that by the grace of God, I am destined to become an excellent physician who takes after the Great Healer Himself. I want to reach the world with the hands of Jesus and show them that a life with Him is the greatest kind of life that we can live. Pero siyempre, gusto ko din naman na i-embody 'yun. Gusto kong makita ng mga tao ang joy sa buhay ko. JOY. JOY. JOY.

I guess I am just going through a phase. Ewan. Ewan. Ewan ko talaga.

1 comments:

Mama said...

Dok,
Lagi mo na lang isipin, in whatever you do, you do it for the glory of God!
You are blessed to be a blessing!
Love you dok!
We all miss you na!