Sunday, November 25, 2007

.72 hours.

Sabi ng blockmate ko kanina, 72 hours na lang daw, tapos na ang IM! Yahoooo!

Two days to go and then I'm out of Internal Medicine na.. well, at least until internship. But until then... yey yey yey!

Sa loob ng halos dalawang buwan na inilagi ko dun, may natutunan ba ako? Hmm.. hopefully, madami. At dahil I HAVE THE MIND OF CHRIST, mare-retain ko ang lahat ng natutunan ko at dadalhin ko hanggang sa maging isang ganap na doktor na ako.

Grabe, malapit na pala 'yun. Halfway through clerkship na ko e, then internship, then... ta-dann!

The world will say hello to Maria Ellen Rivera Licup, MD.

Am I ready for it?

Ayoko na munang magsulat dito ng kung anu-anong may kinalaman sa future ko as a physician dahil baka marami nang mga tao ang naririndi at nagsasawa sa mga reklamo at pag-aalinlangan ko. Nyahaha. ;)

Gusto ko lang sabihin na namimiss ko na 'yung lifestyle ko bago nag-umpisa ang stage na ito ng buhay ko.

Namimiss ko na ang makasama ang pamilya ko araw-araw. Na kahit na nagkakapikunan at nagkakainisan paminsan-minsan, laging may comfort dahil alam kong nandiyan lang naman sila at sa pagdating ng gabi ay magkakasama kaming natutulog sa ilalim ng iisang bubong. Namimiss ko ang mga weekends na gigising ako ng medyo tanghali na at pagpunta sa kusina ay sandamakmak na pagkain ang naghihintay dahil maaga na namang namalengke si Papa at sinuguro niyang binili niya ang mga paborito ko. Namimiss kong guluhin at kulitin si Mama habang nag-eexercise siya sa sala. Namimiss kong makatabi si Ate sa gabi at makakuwentuhan bago matulog. Namimiss ko na ang bahay namin at ang kuwarto kong kahit magulo, ay isang haven para sa lahat ng mga "artistic frustrations" ko.

Namimiss ko na ang umuwi sa Pagsanjan tuwing may okasyon. Namimiss ko na ang mga batang tumatakbo para salubungin kami tuwing naririnig nilang parating na ang sasakyan namin. Namimiss ko ang mga batang sumisigaw ng "Ninang Len!" at nag-aagawan sa atensyon ko para makipaglaro sa kanila. Namimiss ko na si Nanay na laging nagtatanong sa akin kung ok lang ako at laging may mga nangingilid na luha sa mga mata tuwing pabalik na kami ng Las Pinas. Namimiss ko na ang lumabas para bumili ng puto bumbong o kaya ng pizza sa bayan kasama ang mga pinsan at mga tita ko. Namimiss ko na dun.

Namimiss ko na ang Faith Center at ang lahat ng mga tao dun na napamahal na sa akin na parang mga kapamilya ko na rin. Namimiss ko na ang faith group ko at ang malalakas na halakhakan sa tuwing magkakasama kami. Nakakamiss na rin ang minsanang iyakan at ang mas minsanan kong pag-iyak din kasabay nila. Halos wala na nga akong alam sa mga nangyayari sa kanila at iyon ang isa sa mga pinaka-kinalulungkot ko. Namimiss ko nang umupo sa 3rd row at makinig kay Ptr. Jun habang nagtuturo siya. Namimiss ko na din ang mga mommies dun na kung tratuhin at alagaan ako ay para na rin nila akong anak. Namimiss ko na ang halos tumira na sa church dahil iyon na ata ang pangalawang bahay ko. Namimiss ko na rin tumambay sa bahay nina Ate Neng at makikain sa kanila at makiinom ng mga masarap nilang mga juice. Namimiss ko nang lumabas kasama ang mga kaibigan ko sa church at pag-usapan ang mga bagay na may kabuluhan talaga.

Namimiss ko na rin ang mga kaibigan ko nung high school na dati'y kahit kailan sila magtawag ng "mini-reunion" ay nakakapunta ako. Namimiss ko na ang tawanan at kwentuhan at ang pagbulabog namin sa Starbucks. Namimiss ko na ang mga balitaktakan at tsismisan tungkol sa buhay ng isa't isa. Namimiss ko nang balikan ang high school kasama sila at sabay-sabay na tumawa sa mga kababawan namin noon. Namimiss ko na silang makasama.

Namimiss ko na talaga ang dati.

Pero kahit na ganoon, masaya pa rin ako dahil alam ko naman na hindi permanente itong ginagawa ko ngayon. Alam kong darating ulit ang panahon na makakasama ko ulit ang mga taong gusto kong makasama na parang walang mga panahong nagkawalay kami.

Sa ngayon, kailangan kong pagbutihan dito sa mga ginagawa ko. At sila din ang mga taong nagsisilbing inspirasyon ko.

Salamat sa Panginoon na hindi ako pinababayaan sa lahat ng ginagawa ko at patuloy akong binibigyan ng lakas upang malampasan ko ang lahat ng ito. Tanging GRACE lang ng Panginoon ang dahilan kung bakit nakakayanan ko ang mga puyatan, ang trabaho, ang mga demanding na pasyente, ang halos pagtira na sa PGH at lahat na ng kaakibat nito.

At kahit na napakarami nang mga bagay ang nagbago, masaya pa rin ako. Dahil alam kong maganda ang pinatutunguhan ko. At ang lahat ng mga pinagdadaanan ko ay naghuhulma sa akin upang ako ay maging iyong taong iyon na sadyang nilikha ako ng Panginoon na maging.

At ang mga taong mahal na mahal ko at nagmamahal sa akin ay naririto pa rin sa tabi ko (literal man o hindi) at alam kong ang mga matitibay naming samahan ay kahit kailan hindi masisira ng pagkakahiwalay sa loob ng konting panahon.

I thank God for all the wonderful people in my life.

And I thank God for you dear. ;)

I wouldn't trade my life for anything.

1 comments:

Norman said...

At some point when I was in college, I felt really bad coz I thought my friends were too distant, that they did not even bother trying to get in touch or get together...

But now, I've realized that it is just all part of growth. It's true how they say that people come in and out of your life; people who stay don't necessarily "stay the way they did before."

But growth is a good thing, and we need growth. Sometimes I also feel bad or just miss my friends, but another thing I've learned despite the time and the distance is that no matter what happens, these people will remain my friends, and I'm sure all your friends still love and care for you in the same way.

And growth is where you're headed to, Ellen Licup, MD :D

I like that ;)