Thursday, November 29, 2007

.what IM does to a med student.

KAPAG NAMATAYAN NG PASYENTE:

  • "Oh no, mag-eendorse ako nito bukas!"
  • "Buti na lang shift out na ako bukas, di na ko mag-eendorse niyan."
  • "Hala, nakakahiya na tuloy singilin 'yung utang niyan sa 'kin na labs."
  • "Sayang, wala pa ngang binabalik sa 'kin ni isang syringe yan eh!"
  • "Yehey, 1/1 na ulit ako!"
  • "Ah ok."

KAPAG MALAPIT NANG MAMATAY ANG PASYENTE:

  • "Okay lang kahit mag-code na 'yan, DNR naman na 'yan e." (do not resuscitate)
  • "Sana 'wag muna siya mamatay kasi may endorsements bukas e."
  • "Sana mag-HAA na lang sila, wala na din naman magagawa e." (home against advice)

HABANG NAGRE-RESUSCITATE NG CODED PATIENT:

  • "Napanood mo na 'yung 'One More Chance'?"
  • "Hahaha!" (nakikipagtawanan)
  • "Hindi pa ba nagsa-sign ng DNR 'yun relatives? Ipa-sign mo na!"

KAPAG ADMITTING ANG SERVICE:

  • "Sana 'wag muna magpasok ng pasyente ngayon."
  • "Sana pauwiin na lang 'yun mga nasa ER."
  • "Sana kung magpapasok ng pasyente mamayang 5pm na lang."
  • "Ano ba yan, ang toxic naman niyang pasyenteng yan, bakit pa kasi inadmit e mag-cocode lang din naman yan?!"
  • "Hala, endorsable 'tong patient na to! Ayaw ko 'to!"

*Hehe. Bka medyo exaggerated 'yun iba dito. Dagdagan ko na lang kapag may naalala pa ko. Haha. Ako man ay guilty din of saying these things sometimes.

1 comments:

paperback writah said...

haha! super funny.