Pambihira. Wala pa pala ako entry for 2008? Akalain mo 'yun?? Hahaha!
It feels like I've taken quite a long hiatus from blogging... pero saglit pa lang din naman 'yun. Ewan ko ba, many times kapag may naiisip akong isulat, nawawala na kapag kaharap ko na ang blank space na ito.
Kagaya ngayon. Nag-login ako thinking may maisusulat ako pero wala na naman ako maisip ngayon. So pointless. Para lang akong salita nang salita na wala namang meaning ang mga pinagsasabi ko.
Naisip ko lang, minsan siguro, masyado nang self-centered 'tong blog ko. I keep talking about myself in my entries e.
Wala lang.
****************************************
Naisip ko lang. Hindi pala dapat pasyente ang number one sa buhay ng isang doktor.
Dahil minsan, sa sobrang dedikasyon ng isang doktor (o magiging doktor) sa kanyang mga pasyente, ay napapabayaan na niya ang mga taong tunay na pinakamalapit sa puso niya.
Hindi ko sinasabing maging isang pabayang doktor. Mali din 'yun. Dapat ay mayroon pa ring pagpapahalaga at pagmamahal na rin na ibinibigay sa lahat ng mga taong lumalapit sa iyo na naniniwalang may maitutulong ka sa kanila. Sila din naman ay may karapatang tumanggap ng pinakamagandang serbisyo mula sa 'yo.
Ang sinasabi ko lang, hindi dapat sila maging dahilan upang kalimutan o pabayaan mo na ang iyong pagmamahal sa mga taong mahalaga sa buhay mo.
Kagaya ng pamilya mo. Hindi maaaring maging palusot na pagod ka lagi sa trabaho upang hindi ka na magkaroon ng panahon para sa kanila. Dahil pamilya mo pa rin sila, at sila ang mga taong kahit anong mangyari ay hinding-hindi ka iiwanan. Hindi katanggap-tanggap na ambait-bait mo kapag humaharap ka sa pasyente tapos pag-uwi ng bahay ay magsusungit ka sa lahat ng tao kasi kulang ka sa tulog. Kung tutuusin, dapat nga ay sila ang nakakakita sa 'yo sa iyong mga pinakamasayang panahon. Pamilya mo sila e. Hindi maitatatwang sila pa rin ang mga pinakamahalagang tao sa buhay mo.
O di kaya nama'y ang mga pinakamatatalik mong mga kaibigan. Maaari ngang hindi ka na makakasama palagi sa kanila kapag may lakad, o hindi na kasing-regular ng dati ang inyong pagkikita-kita, ngunit hindi ibig sabihin noon na hindi ka na nila maaasahan kung kailangan ka nila. Kahit mga simpleng bagay na magpapakitang mahalaga sila sa 'yo, ok na yun. At iyong lagi mong ipaparamdam sa kanila na kahit anong mangyari ay nariyan ka pa rin para sa kanila.
Tunay ngang mahalaga ang mga pasyente at nararapat lamang na tulungan mo sila sa abot ng iyong makakaya. Pero walang duda na ang kauna-unahang mga taong dapat nakakita sa 'yo AT YOUR BEST ay walang iba kundi ang ating Panginoong Diyos at ang lahat ng taong inilagay Niya sa buhay mo upang maging mga kapamilya at kaibigan mo.
***********************************
To all my family and friends... I LOVE YOU ALL SO MUCH. And though I'm missing you a lot because it feels like so many things have changed, I know our relationship stands strong and true.
Beyond words, beyond emotions, beyond measure.
I love you.
Tuesday, January 15, 2008
.random thoughts.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

2 comments:
Hello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations :-). I will add in my blogroll =). If possible gives a last there on my site, it is about the CresceNet, I hope you enjoy. The address is http://www.provedorcrescenet.com . A hug.
Hello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations :-). I will add in my blogroll =). If possible gives a last there on my site, it is about the CresceNet, I hope you enjoy. The address is http://www.provedorcrescenet.com . A hug.
Post a Comment